Thursday, October 21, 2010

Ang Unang Biyak


Welcome sa aking blog na pinamagatang Aling Kepyas.

Bakit Aling Kepyas?

Dahil wala akong maisip na magandang pangalan pero sabik na sabik na akong umpisahan ang bagong blog na ito kaya naman nag isip nalang ako ng paborito kong pagkain at ang agad kong naisip ay kepyas.

Halos magdadalawang taon na simula ng una kong subukan mag blog. Ang unang ginawa ko ay tungkol sa kalusugan at kung paano makamit ng isang payatot ang pang romansang katawan. Bago matapos ang Disyembre '09 na tripan ko din ang micro blogging site na Tumblr. Astig ang Tumblr dahil ang mga posts doon ay very light lang. Bihira ang magsulat ng mahahabang siyet. Karamihan puro mga pictures, quotes, at kung anu anong maiiksing siyet na naiisip ng mga micro bloggers ang mga posts sa Tumblr. Dalawang micro blogs ang ginawa ko sa Tumblr, isang pang kalokohan at isang photo gallery ng mga hot pinay chicks.

So bakit nga ba ako ulit nag blog?

Matagal ko na din naman itong binabalak lalo kapag may mga siyet akong naiisip and I want to speak my mind out. Before this, ang isang matinding labasan ko ng mga siyet ko ay ang isang social forum na talaga namang kaadik adik. Isang forum kung saan ako ay nakakalila ng mga bagong kaibigan. Mga kaibigang hindi ko tinuruting as plain online friends kundi mga tunay na kaibigan. Sa sandaling panahon na halos araw araw kaming nagtatagpo sa aming tinatawag na "selda", kami'y nagkakilakilala ng lubos at isang pagkakaibigang tunay ang namuo. Ang mga tinaguriang mga kakosa ang isa sa mga prime movers kung bakit naisipan kong muling mag blog. 

Kung saan man tutungo at kung kailang hihinto ang pagsusulat ko dito ay hindi ko alam sa ngayon. Walang specific theme kaya malamang ay mga random siyet ang inyong mababasa. 

Maraming salamat sa pagbisita at nawa'y maaliw at may matutunan kayo sa mga future posts ko dito.